
Boluntaryong sumuko sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Camp Karingal ang kilalang social media personality na si Ka Eric Celiz kaugnay ng kasong inciting to sedition.
Ito ay kasunod ng paglabas ng warrant of arrest mula sa Quezon City Regional Trial Court Branch 100 laban sa kanya. Pagdating sa himpilan, binasahan si Celiz ng kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Rights bago isinailalim sa kinakailangang proseso at dokumentasyon.
Ayon sa korte, bailable ang kasong kinahaharap ni Celiz at itinakda ang kanyang bail bond sa halagang ₱36,000.
Ang kanyang pagsuko ay naganap ilang araw matapos mailabas ang warrant, at inaasahang haharap siya sa mga susunod na pagdinig









