Handa umano ang defense team ni Vice President Sara Duterte na harapin ang panibagong impeachment complaints na inihain laban sa pangalawang pangulo.

Iginiit ng kampo ni Duterte na walang basehan ang mga alegasyon laban sa bise presidente.

Sa pahayag, sinabi ni Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng defense team ni Duterte, hindi na umano ikinagulat ang panibagong impeachment complaints, at iginiit na ito ay constitutional process na suportado ng mga ebidensiya at due process.

Iginiit ni Poa na ang impeachment ay hindi lamang political process na mula sa mga puro alegasyon o haka-haka bunsod ng mga press release o iresponsableng posts sa social media.

Binigyang-diin niya na handa nilang harapin ang mga nasabing alegasyon ng patas sa pamamagitan ng tamang proseso sa ilalim ng Konstitusyon.

-- ADVERTISEMENT --

Tiwala ang kampo ni Duterte na sa pamamagitan ng patas at impartial review ay mapapatunayan na walang basehan at walang mga ebidensiya ang mga akusasyon laban sa bise presidente.

Kanina ay dalawang impeachment complaints ang inihain laban kay Duterte sa Office of the Secretary General sa Kamara.

Ang una ay inihain ng mga miyembro ng Makabayan Coalition at inindorso ng Makabayan bloc sa kamara at ang pangalawa ay inihain ng Tindig Pilipinas na inindorso ng ML Party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan Rep. Percy Cendaña.