Itinanggi ng kampo ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co na nakatanggap umano siya ng male-maletang pera mula sa nagpakilalang dating security consultant na si Orly Guteza.

Ayon sa alegasyon ni Guteza sa Senate Blue Ribbon Committee, nag-deliver umano siya ng 46 maleta na naglalaman ng tig-P48 milyon kada isa sa bahay ni Co at dating House Speaker Martin Romualdez.

Ngunit ayon kay Atty. Ruy Rondain, walang katotohanan ang pahayag at wala ring ebidensiyang nagpapakita na nakatanggap si Co ng pera mula sa sinumang tao.

Tinawag din ni Rondain na tsismis at haka-haka ang mga alegasyon.