Nagtala ang Kanlaon Volcano ng apat na ash emission events at siyam na volcanic earthquakes noong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa ahensya, tumagal ang ash emissions mula lima hanggang 68 minuto, habang nakapagtala rin ng dalawang volcanic tremor na tumagal ng 13 hanggang 23 minuto.

Umabot sa 2,153 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan sa parehong araw, dahilan ng pagbuo ng makakapal na plume na umabot sa 800 metro ang taas bago tinangay patungong timog at timog-silangan.

Nanatili sa Alert Level 2 (Increased Unrest) ang Kanlaon Volcano na nasa pagitan ng Negros Occidental at Negros Oriental.

Muling ipinaalala ng PHIVOLCS ang pagbabawal sa pagpasok sa 4-kilometer Permanent Danger Zone gayundin ang paglipad ng sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan dahil sa banta ng biglaang steam-driven o phreatic eruptions at posibleng paglala ng aktibidad.

-- ADVERTISEMENT --