Maraming mamamayan ng Congham, Norfolk ang nanood sa pinakahihintay na taunang World Snail Racing Championships.

Mahigit 150 na kuhol ang nagpaligsahan.

Ang kuhol ni Jeff ang nagkampeon sa oras na apat na minuto at tatlong segundo.

Subalit, hindi nito nalampasan ang record noong 1995 na tinapos ng kuhol ang kompetisyon sa loob ng dalawang minuto at 20 segundo.

Nagsimula ang taunang “Snail Racing World Championships” sa Congham, Norfolk noong 1960s matapos na masaksihan ng founder na si Tom Elwes ang snail racing event sa France.

-- ADVERTISEMENT --

Ang nalikom na pera mula sa karera ng mga kuhol ay ibinigay sa St Andrews Church sa Congham.