Nag-viral sa social media ang isang video na nagpapakita ng karne ng baboy na may kahawig umano ng daliri ng tao.
Ayon sa uploader, nabahala siya sa itsura ng karne kaya agad niya itong i-pinost online.
Matapos namang makipag-ugnayan sa tindahan kung saan ito binili, napag-alamang buntot lang pala ito ng baboy at hindi bahagi ng katawan ng tao.
Dahil dito, pinawi ng tindero ang pangamba ng mamimili at tiniyak na tunay at maayos ang pagkakatay ng karne.