Isang babae mula sa Kernersville, North Carolina, ang hindi inaasahang nagwagi ng $250,000 mula sa isang scratch-off lottery ticket matapos lamang mag-crave ng orange juice.

Si Kelly Spahr, 42 years old, ay tumigil sa isang quality mart upang bumili ng orange juice at habang naroroon, napansin niya ang mga bagong lottery tickets na nakadisplay, kaya’t naisipan niyang subukan ang swerte.

Ang ticket na binili niya ay isang $20 Merry Multiplier scratch-off, at sa kanyang pagkagulat, ito ay nagbigay sa kanya ng top prize na $250,000.

Aminado si Kelly na hindi niya in-expect ang kanyang panalo, at sinabi niyang malaking tulong ito para sa kanyang pamilya.

Ang kwento ni Kelly Spahr ay isang magandang halimbawa ng swerte at hindi inaasahang mga pagkakataon na maaaring magbukas sa atin sa mga simpleng hakbang sa araw-araw.

-- ADVERTISEMENT --