Patay ang isang konsehal matapos siyang pagbabarilin sa labas ng kaniyang bahay sa Paglat, Maguindanao del Sur.

Kinilala ang biktima na si Samon Kitalok, na pinagbabaril nitong Miyerkoles.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nilapitan at bigla na lamang binaril ng mga salarin ang biktima, bago sila tumakas gamit ang motorsiklo.

Patuloy na inaalam ang motibo sa pamamaslang at kung sino ang mga salarin.

Samantala, patay din sa pamamaril ang isang barangay chairman sa General Mamerto Natividad sa Nueva Ecija.

-- ADVERTISEMENT --

Dead on arrival sa ospital ang biktima matapos magtamo ng tama ng bala sa katawan, habang sugatan ang kaniyang kaanak na nadamay.

Tumanggi munang magbigay ng detalye ang pulisya habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa nasabing krimen.