Binaril-patay ang isang Korean tourist sa ginawang sa Korean Town area sa Barangay Anunas sa Angeles City, Pampanga kahapon ng hapon.
Batay sa inisyal na report, nangyari ang insidente ng 1:50 p.m. sa Fil-Am Friendship Highway, sa harap ng isang bangko sa Korean Town area.
Kinilala lamang ang biktima sa kanyang apelyido na Kim, at nakatayo siya sa harap ng bangko nang lapitan siya ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.
Tinangka umano ng back rider na agawin ang bag ng biktima, subalit nang nanlaban si Kim, binaril siya sa katawan bago umalis sa lugar kasama ang kanyang kasama.
Dinala si Kim sa pinakamalapit na ospital, subalit idineklara siyang dead on arrival.
Tnitignan na ng mga awtoridad ang CCTV footage sa lugar para sa matukoy ang mga suspek at mahuli ang mga ito.
Si Kim na nasa hustong gulang ay nanunuluyan sa isang hotel malapit sa pinangyarihan ng insidente.
Kaugnay nito, sinabi ng Angeles City na ito ang unang naitalang robbery incident na biktima ay Korean national.
Subalit, may katulad na insidente na nangyari noong February 18,2014 nang barilin-patay ang isang Korean tourist ng motorcycle-riding suspects sa parehong lugar.