
Matatapos na sa unang quarter ng taon ang kulungan ng mga mahahatulan kaugnay ng flood control corruption scandal. ayon sa Bureau of Corrections (BuCor)
Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr., may inihahanda nang kulungan para sa mga mahahatulang guilty sa maanomalyang flood control projects.
Ito aniya ay ang pasilidad na malapit nang matapos sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Mindoro Occidental na itinalagang “super max.”
Doon aniya ilalagay ang mga serious henious crime offenders, kabilang na ang mga masisintensiyahan kaugnay ng flood control scandal.
Isasara na rin aniya ang New Bilibid Prisons at ire-repurpose o gagamitin sa ibang bagay dahil may dalang banta sa seguridad ang lokasyon nito sa Muntinlupa City kalapit ng mga komunidad, kabilang na ang mga first-class subdivision.
Dati nang sinabi ni Catapang na balak niyang gawing “Global City” ang kinatatayuan ng BuCor headquarters sa Muntinlupa. Sa planong ito, may ilalaang lupa para sa socialized housing at isang government center










