TUGUEGARAO CITY-Ihahatid sa kaniyang huling hantungan sa araw ng Sabado, Enero a-onse ang pinay na isa sa dalawang namatay sa car accident sa bansang Singapore.

Kahapon, naiuwi na ang bangkay ni Abigail leste sa kanilang bahay sa Brgy Paddaya, Aparri.

Kuwento ng kaniyang anak na si Jacky Leste-Alariao na pangarap ng kanilang ina na makatapos sila ng kaniyang kuya sa pag-aaral.

Ayon kay Jacky na susunod sanang mag-aral ang kaniyang kuya na pansamantalang tumigil para patapusin muna siya sa kaniyang kursong Bachelor of Science and Hospitality Industry Management dahil mag-isa nitong itinataguyod ang kanilang pag-aaral.

Matatandaan na namatay si Abigail at ang isa pang OFW mula sa La Union habang sugatan ang apat nilang kasamahan matapos silang sagasaan ng kotse sa Lucky Plaza Mall sa Singapore. / with reports from Bombo Marvin Cangcang

-- ADVERTISEMENT --