Nagpahayag si Senador Ping Lacson ng pag-aalala para kay Senador Alan Peter Cayetano kasunod ng matinding batikos na muli nitong ipinukol laban sa kanya.

Sa isang panayam, binalikan ni Lacson ang matagal na nilang samahan at sinabi na nag-ugat pa ito noong panahon na kongresista pa lamang si Cayetano sa hanay ng oposisyon.

Aniya, matagal siyang tinawag ng senador na “Kuya Ping” bago lumamig ang kanilang relasyon.

Sa halip na gantihan ang mga naging pahayag laban sa kanya, sinabi ni Lacson na naaawa siya sa kasalukuyang sitwasyon ni Cayetano.

“Naaawa ako talaga sa kanya. Sana hindi mag-complete meltdown,” saad ni Lacson.

-- ADVERTISEMENT --

Ang pahayag ay kasunod ng Facebook Live ni Cayetano kung saan tinawag niyang “aso” ang kapwa senador sa gitna ng umiinit na palitan ng salita kaugnay ng mga isyung kinakaharap sa Senado.