Arestado ang isang lalaki na sangkot umano sa “rentangay” modus sa Las Piñas City matapos isumbong ng kanyang sariling nobya.

Batay sa ulat, hinuli si alyas “Lawrence” ng mga pulis habang nakatakda sanang makipagkita sa kanyang kasintahan.

Matapos ang kaunting pagtutol, naaresto siya ng PNP-Highway Patrol Group at dinala sa Camp Crame.

Haharap ngayon ang lalaki sa mga kaso gaya ng carnapping, illegal possession of firearms, at paglabag sa Anti-Fencing Law.

Ayon sa pulisya, nirentahan umano ni Lawrence ang mga sasakyan pero hindi na ito ibinabalik.

-- ADVERTISEMENT --

Hinihikayat ng PNP-HPG ang iba pang mga biktima na magsampa ng reklamo upang madagdagan pa ang kaso laban sa suspek.

Sa panig ni Lawrence, hindi siya makapaniwalang isinumbong siya ng kanyang nobya at aminadong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nakiusap din siya sa mga biktima na iatras ang kaso at handa raw siyang ibalik ang motorsiklo kung papayag sa areglo.