Huli ang isang lalaking illegal na naghuhukay sa forestland ng Abinganan, Bambang, Nueva Vizcaya.
Kinilala ni PMAJ Novalyn Dasid tagapagsalita ng PNP Nueva Vicaya ang suspect na isang 40 anyos, magsasaka at residente rin sa nasabing lugar habang ang tatlo pa nitong kasama na nakatakas ay residente sa probinsya ng Quirino at Quezon.
Ayon kay Dasid, nakatanggap umano sila ng reklamo mula sa mga residente at magsasaka sa barangay Abinganan matapos mawala ang supply ng tubig na pinaniniwalaang dahil sa hinukay na malaking butas.
Nakuha sa nasabing lugar ang ilang sample ng mineral ore na hinihinalang nasa 15 kilos at sa ngayon at isinumete na sa Mines and Geosciences Bureau(MGB) upang malaman kung ano ang mga ito at ang halaga nito.
Dagdag pa ni Dasid, malawak at ilang metro na ang lalim ng hinukay ng suspect at mga kasamahan nitong nakatakas na posibleng sinimulang hukayin noong buwan ng Disyembre ng nakaraang taon.