Namatay na ang 18-anyos na lalaki na bumaril sa kanyang 15-anyos na kasintahan sa loob ng Sta. Rosa Integrated School sa Nueva Ecija noong August 7, 2025.
Namatay ang lalaki mahigit 24 oras matapos ang pamamaril.
Pagkatapos ng insidente, unang dinala ang lalaki at ang biktima sa Doctors Hospital sa Cabanatuan City subalit inilipat ang suspek sa Paulino Garcia Memorial Medical Center at kinabitan siya ng life support.
Kalaunan ay nagpasiya ang pamilya na iuwi na lamang siya, kung saan sa bahay na ito binawian ng buhay.
Ayon sa Santa Rosa police, pumasok ang suspek sa paaralan ng umaga noong August 7 at sinubukan na palabasin ang biktima mula sa silid-aralan.
Nang tumanggi ang babae, pumasok ang suspek at binaril niya ang biktima bago siya nagbaril ng kanyang sarili.
Nsakuha ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng krimen ang .22-caliber snub-nose revolver.
Kinondena ng Department of Education (DepEd) sa Nueva Ecija ang nasabing pamamaril, at binigyang-diin na ito katanggap-tanggap at walang puwang ang karahasan sa mga paaralan.
Pansamantalang sarado ang Sta. Rosa Integrated School dahil sa insidente.