
Nasawi ang isang 50-anyos na lalaki matapos ma-suffocate sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay Tañong, Marikina City, kahapon ng madaling-araw.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), tiniyak muna ng biktima na makalabas nang ligtas ang kanyang asawa at mga apo bago bumalik sa loob ng bahay upang kunin ang mga mahahalagang gamit.
At dahil dito ay hindi na siya nakalabas at natagpuang wala nang buhay dahil sa suffocation.
Umabot sa anim na bahay ang naapektuhan ng sunog, na nakaapekto sa 26 katao.
Tinatayang nasa P350,000 ang halaga ng pinsala.
-- ADVERTISEMENT --
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.










