Natagpuang nakabigti sa isang puno ang isang 31-anyos na lalaki gamit ang isang nylon cord dahil umano sa selos sa bayan ng Claveria, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si alyas Mark, isang ice-cream vendor at residente sa naturang bayan.

Ayon kay PMSgt Ronald Paat, imbestigador ng PNP-Calaveria, nadiskubreng nakabigti ang biktima sa puno ng G.Melina na malapit sa bahay ng kanyang kapatid pasado alas 5:00 ng madaling araw.

Sinabi ni Paat na nasa impluwensiya at umiinom ng nakalalasing na inumin ang biktima, bandang alas 4:00 ng madaling araw nang naka-usap ang kanyang bayaw kung saan ibinilin pa ang kanyang anak na baby pa lamang.

Subalit makalipas ang ilang oras ay nagulat sila nang gisingin sila nang napadaang kapitbahay matapos makita ang nakabiting katawan ng biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Nagsimulang ma-depress ang biktima mula nang pumunta ito sa bayan ng Baggao upang makipag-usap sa kanyang kinakasama subalit nang makauwi ay hindi na niya ito makontak.

Dagdag pa ni Paat, walang indikasyon na may foul play sa pagkamatay ng biktima.