Target ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na isulong ang pagsasagawa ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre ngayong taon.

Sinabi ni Senate President Chiz Escudero, pinulong niya kahapon ang mga miyembro ng Liga ng mga Barangay ng Naga City, Camarines Sur kaugnay sa naturang isyu.

Dumalo rin sa naturang meeting si dating Vice President at incoming Naga City mayor Leni Robredo, na nag-courtesy call sa Senate chief.

Sinabi ni Escudero na ang direktiba na kanilang tinitingnan ay ituloy ang eleksyon, subalit kailangana pagpasiyahan ito ng Kamara at Senado.

Ayon pa sa kanya, ang pinag-aaralan na termino para sa local officials ay apat na taon.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Escudero, ang bersyon ng panukala na naipasa ng Senado ay naglalayong ipagpaliban ang halalan sa mga barangay official na binigyan ng apat na taong termino.

Layon naman ng bersyon ng Kamara na ipagpaliban ang eleksyon ngayong taon na nagbibigay sa mga lokal na opisyal ng tig-anim na taong termino.

Sinabi naman ni Robredo, sa kanyang personal na pananaw, tutol siya na ituloy ang halalan ngayong taon dahil sa masyadong maikli ang mahigit dalawang taon na kanilang termino para tuparin ang kanilang pangako sa nakalipas na barangay at SK elections.