Patay ang limang katao Lima matapos na manlaban umano sa mga awtoridad ang grupo na sisilbihan ng mga arrest warrant para sa mga kasong pagpatay sa Barangay Lower Paatan, Kacaban, Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Office spokesperson, Police Lt. James Warren Caang, ang mga operatiba ay kinabibilangan ng puwersa ng Provincial Mobile Force Company, Kabacan Municipal Police Station, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ngunit sa halip na sumama sa mga awtoridad, pinapatukan umano ng mga aarestuhin ang mga awtoridad na nagresulta sa engkuwento.

Sinabi ni Caang na ang mga namatay ay mula sa mga aarestohin.

Ayon sa kanya, ang mga namatay ay suspects din sa nangyaring shooting incidents sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Naaresto sa naturang operasyon ang isang babae para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (RA 10591).