TUGUEGARAO CITY- Patay ang isang lolo matapos na tumalon sa bintana ng kanilang silid kaninang madaling araw sa Sunshine Valley Homes, Pengue Ruyu, Tuguegarao City.

Sinabi ni PLt. Rosemari Taguiam ng PNP Tuguegarao, sa kanilang imbestigasyon, itinali umano ng biktima na si Gelacio Cabacungan, 84 anyos ang kanyang leeg at ang kabilang dulo ng tali ay itinali naman sa kanilang kama at tumalon sa bintana.

Naalimpungatan umano ang kanilang kasambahay nang makarinig ng tila may nahulog mula sa silid ng kanyang mga amo at nang puntahan niya ang kanilang silid ay nakita nang nakabitin ang lolo.

Hindi rin umano namalayan ng asawa ng biktima ang ginawa ng kanyang mister dahil sa mahina na rin siya ay mahimbing ang kaniyang tulog.

Sinabi ni Taguiam na bago ang insidente ay may sinabi umano ang biktima na wala na umanong silbing mabuhay dahil sa hindi siya pinapayagan ng kanyang anak na lumabas ng bahay dahil upang makaiwas sa covid-19.

-- ADVERTISEMENT --