
Dalawang bus na umano’y konektado kay dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson ang inimpound ng Land Transportation Office (LTO) matapos mapatunayang hindi rehistrado.
Ayon sa LTO, hinarang ang mga bus noong Hulyo 19 habang patungo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Napansin ng mga awtoridad na gumagamit ang mga ito ng improvised plates at walang rehistro.
Binigyang-diin ni LTO Assistant Secretary Markus Lacanilao na walang sinuman ang may espesyal na pagtrato sa pagpapatupad ng batas.
Aniya, pananagutin ng ahensya ang sinumang lalabag sa mga regulasyon sa pagpaparehistro at paggamit ng sasakyan.
-- ADVERTISEMENT --










