
Pinatawan ng dalawang taong revocation ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng aktor na si Niño Muhlach matapos masangkot sa isang aksidente sa Marcos Highway, Antipolo City, Rizal.
Batay sa isinagawang imbestigasyon at pagdinig ng LTO, lumabas na nakaranas umano ng matinding pagkapagod ang aktor bago mawalan ng kontrol sa kaniyang minamanehong sasakyan na bumangga sa tatlong establisyimento.
Dahil dito, napatunayang may pananagutan ang nasabing aktor sa paglabag sa Reckless Driving at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.
Mananatili namang naka-alarm status ang naturang sasakyan bilang bahagi ng pagpapatupad ng kaparusahan at upang maiwasan ang anumang transaksiyon dito habang umiiral ang resolusyon ng LTO.










