Agad na narescue ang mag-iina na kasamang nahulog sa bumigay na dike sa bayan ng Sanchez Mira, Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Jovie Biado, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na bahagyang nasugatan sa paa ang isa sa tatlong miyembro ng pamilya na kaagad namang nilapatan ng lunas.
Bukod dito, naiahon rin kaagad ang nahulog na sasakyan na nakaparada sa gilid ng lansangan.
Sinabi ni Biado na dahil sa tuluy-tuloy na daloy ng tubig baha ay bumigay ang dike na nagsisilbing flood control sa katabing palengke na lubog pa rin sa tubig baha.
Sa ngayon, sinabi ni Biado na unti-unti nang bumabalik sa kanilang mga bahay ang mga evacuees sa naturang bayan.
-- ADVERTISEMENT --