TUGUEGARAO CITY-Sugatan ang magpinsan matapos saksakin ng kanilang kaibigan dahil sa hindi pagkakaunawaan habang nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin sa bayan ng Buguey, Cagayan.

Ayon kay P/Capt Joel Labasan, Chief of Police ng PNP-Buguey, nagtungo sa Birthday party ang magpinsang biktima na sina Lloyd, 18-anyos at Reymond Costales, 20-anyos kung saan kanilang nakainuman ang suspek na si Jackson Cepeda at isang 17-anyos na pawang mga residente sa Barangay Cabaritan.

Aniya, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang apat kung saan kinuha ni Jackson ang kanyang patalim at sinaksak ang dalawang biktima.

Nagtamo ng sugat sa tagiliran at puwetan ang magpinsan kung saan habang sila’y papaalis sa lugar ay hinabol pa ng menor-de-edad na suspek ang dalawang biktima.

Sa ngayon, nasa maayos na kalagayan ang dalawang biktima habang nakatakda namang mag-usap ang magkabilang panig para sa ikakaresolba ng kanilang kaso.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni P/Capt Joel Labasan