Matagumpay na naaresto ng pinagsamang puwersa ng Peñablanca Police Station sa pangunguna ni PCPT Leif Bernard Guya, katuwang at iba pang PNP Units ang number 9 most wanted person sa regional level sa bayan ng Peñablanca, Cagayan.
Kinilala ang suspek na si alyas Tino, magsasaka at residente ng nasabing bayan.
Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 4, Tuguegarao City, Cagayan, noong Hunyo 24, 2025.
Nahaharap ang akusado sa mga sumusunod na kaso:
3 counts of qualified rape of a minor – walang inirekomendang piyansa;
Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code, kaugnay ng Section 5(B) ng RA 7610 (3 counts) – may inirekomendang piyansa na ₱108,000.00 bawat kaso;
Attempted Qualified Rape of a Minor – may inirekomendang piyansa na ₱200,000.00; at
Child Abuse sa ilalim ng Section 10(A) ng RA 7610, bilang inamyendahan – may inirekomendang piyansa na ₱80,000.00.
Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Peñablanca habang inihahanda ang kanyang paglilipat sa korte na nagpalabas ng warrant.