TUGUEGARA CITY-Mahigit P13 Milyon ang halaga ng pananim na marijuana ang binunot at sinunog ng mga otoridad sa Barangay Bugnay, Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay P/col Davy Vicente Limmong, director ng kalinga Police Provincial Office (KPPO), 68,800 fully grown na marijuana ang sinira mula sa 4,000 square meters at nagkakahalaga ng P13,960,000.

Aniya, sinimulan ang eradication noong araw ng Huwebes, Setyembre 17,2020 at natapos lamang ngayong araw ng Linggo.

Sinabi ni Limmong na nahalo ang mga marijuanan plants sa ibang mga pananim kung kaya’t hindi agad nahahalata sa kalayuan.

Bigo naman ang mga otoridad na mahuli ang mga cultivators ngunit may mga minomonitor na silang posibleng maging suspek.

-- ADVERTISEMENT --

Katuwang ng PNP-kalinga sa naturang operasyon ang PDEA-Kalinga at Region 02 at Mobile force company ng Cordillera Region.