
Magpapatupad ng bigtime oil price rollbak ang mga kumpanya ng langis bukas.
Sa magkakahiwalay na advisories, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Seaoil Philippines Corp., at Shell Pilipinas Corp., ang ibabawas sa presyo ng gasolina ay P3.60, sa diesel ay P2.90, at sa kerosene ay P3.30.
Ipatutupad ang rollback ng 6 a.m. bukas.
Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), ang malaking rollback sa presyo ng langis ay bunsod ng umiinit na trade tensions sa pagitan ng China at Estados Unidos, ang inaasahan na pagbabawas ng krudo mula sa Saudi Arabia na patungo sa Asia sa susunod na buwan, at ang pagtaas ng produksion ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC).