Nagbabala ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa panganib ng online radicalization at violent extremism sa mga kabataan, lalo na sa patuloy na paggamit ng social media at gaming platforms.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, nakikipag-ugnayan ang militar sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang tugunan ang mga bagong banta sa seguridad na nagmumula sa digital environment.

Sinabi ni Padilla na nangangailangan ito ng whole-of-government at whole-of-society approach na dapat kabilang ang mga paaralan, magulang, komunidad at law enforcement agencies.

Kabilang sa tungkulin ng AFP Cyber Command at civil-military operations units ang pagtugon sa mga banta tulad ng information at cognitive warfare.

Binigyang-diin din ni Padilla ang kahalagahan ng critical thinking ng mga kabataan upang matukoy nila ang mga posibleng pagtatangkang impluwensyahan o i-recruit sila online.

-- ADVERTISEMENT --

Ang pahayag ng AFP ay kasunod ng insidente ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato noong Setyembre 18.