Ibinunyag sa pagdinig ng Sandiganbayan na ang P92.8-milyong umano’y ghost project sa Pandi, Bulacan ay idineklarang halos tapos na sa loob lamang ng 21 araw mula nang simulan ito.

Sa testimonya ni NBI agent Ivan Bernard Samson, sinabi niyang inilabas ang notice to proceed noong Abril 8, 2025 at idineklarang 95.17 porsiyento nang tapos makalipas ang 21 araw, kahit inaasahang aabot ng hanggang 270 araw ang konstruksyon.

Ipinakita rin ni Samson ang video ng proyekto noong Setyembre 2025 na nagpapakita ng maputik na pampang ng ilog, na taliwas sa deklarasyong halos tapos na ito.

Kinumpirma rin niya sa korte na hindi pa ito umaabot sa 95 porsiyentong completion.

Kaugnay nito, nahaharap sa kasong graft at malversation si dating senador Ramon Bong Revilla Jr. dahil sa nasabing proyekto.

-- ADVERTISEMENT --

Nakakulong siya mula Enero dahil nonbailable ang kasong malversation, habang nakapagpiyansa naman siya sa hiwalay na kasong graft.