Nag-anunsyo si pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng malaking bawas sa presyo ng produktong petrolyo na ipatutupad sa susunod na linggo.

Ayon sa Pangulo, inaasahang bababa ang presyo ng diesel ng P24.94 kada litro, gasolina ng P3.41 kada litro, at kerosene ng P2.00 kada litro. Hinikayat din niya ang mga oil companies na ipatupad nang buo at walang pagkaantala ang rollback upang agad itong maramdaman ng publiko.

Sinabi ng Department of Energy Philippines na inaasahan ang panibagong rollback, alinsunod sa galaw ng pandaigdigang presyo ng langis.

Para sa sektor ng transportasyon, tiniyak ng Pangulo na magpapatuloy ang P10 diskuwento sa gasolina para sa mga public utility vehicle at bus, gayundin ang Service Contracting Program para sa mga drayber.

Samantala, inihayag din niya na palalawigin ng Land Transportation Office Philippines ng tatlong buwan ang bisa ng mga lisensya at rehistro ng sasakyan na magtatapos sa Abril 2026, nang walang karagdagang multa o parusa.

-- ADVERTISEMENT --

Layunin ng mga hakbang na mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis at maibigay ang agarang ginhawa sa mga Pilipino.