Dadalhin sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City si death row convict Mary Jane Veloso sa sandaling makabalik na siya ng Pilipinas.

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr., ilalagay si Veloso sa dating selda ni Cassandra Li Ong, ang authorized representative ng sinalakay na Pogo hub sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Catapang, naghanda ang CIW sa Mandaluyong City ng adobo at pastillas para kay Veloso, batay na rin sa kanyang kahilingan.

Sinabi pa ni Catapang na isasailalim sa limang araw na quarantine si Veloso sa kanyang pagdating at sasailalim din sa orientation at security evaluation sa susunod na 55 araw bago siya ililipat sa regular na selda.

Nakatakdang bumalik sa bansa si Veloso bukas ng madaling araw.

-- ADVERTISEMENT --