TUGUEGARAO CITY- Inihayag ni Mayor Jefferson Soriano ng Tuguegarao City na prioridad niya sa kanyang huling termino ang pagpapanatili ng peace and orcer at kalinisan.
Sinabi ni Soriano na isang malaking hamon ang pagpapanatili ng peace and order sa lungsod lalo na at tila ginagawa umanong battlefield ng ilang magkakaaway na pulitiko ang lungsod.
Iginiit niya na kung hindi payapa ang lungsod ay tiyak na makakaapekto ito sa pag-unlad ng lungsod dahil sa madidismaya umano ang mga investors.
Sa kalinisan naman,muling umapela si Soriano sa mga barangay officials at mga residente na ipatupad ang tamang segration ng mga basura.
Bukod dito, sinabi niya na pinag-aaralan ni Atty. Noel Mora, head ng City Environment and Natural Resources Office ang maayos na schedule ng paghahakot ng mga basura.