
Opisyal nang itinurnover ng Bureau of Customs sa Bureau of the Treasury ang mahigit ₱100 million na kinita mula sa public auction ng mga luxury vehicles na nasamsam mula sa mag-asawang contractor na sina Sarah Discaya at Curlee Discaya.
Ito’y matapos maibenta ang siyam sa sa labing tatlong luxury vehicles na nakumpiska mula sa mag-asawa, na iniuugnay sa maanomalyang flood control projects.
Kung maalala, lumabas noon sa mga imbestigasyon na iligal na inimport ang mga sasakyan matapos mapagalamang pinroseso ang nga dokumento sa Port of Davao kahit na nai-ship ang mga units sa Batangas Port.
Isinailalim sa public auction ang mga sasakyan alinsunod sa umiiral na patakaran ng ahensya upang ma-convert ang mga nasamsam na ari-arian bilang kita ng pamahalaan.
Bahagi umano ito ng kanilang proseso upang matiyak na ang mga nakumpiskang property na may kinalaman sa mga isyu o imbestigasyon ay mapapakinabangan ng gobyerno sa halip na manatiling nakatengga.









