TUGUEGARAO CITY- Nanawagan ang mga mangingisda sa Region 2 na magkaroon ng iceplant para kanilang huling mga isda.

Sinabi ni Jaime Yusores ng Samahan ng mga Mangingisda sa Rehion at Lokal na hindi sapat ang mga nabibili nilang yelo sa mga tindahan para sa mga huli nilang mga isda upang ito ay hindi masira.

Bukod dito, sinabi niya na mahal din ang kung maliliit lang na yelo ang kanilang binibili.

Dahil dito, sinabi ni Yusores na kung walang mabiling yelo ay napipilitan sila na ibenta na lang ang kanilang mga huling isda sa mga middlemen sa hiling nilang presyo.

Ito ang dahilan aniya kaya mataas ang presyo ng mga isda sa merkado.

-- ADVERTISEMENT --