
Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na nanggaling sa birthday celebration ng Chief of Police ng Maragondon ang mga sangkot sa insidente ng pamamaril sa isang resort sa Maragondon, Cavite nitong Miyerkules ng madaling araw.
Sa mensahe sa media, sinabi ni Remulla na pawang lasing ang mga sangkot at dala nila ang kanilang mga service firearm nang maganap ang insidente.
Matatandaang dalawa ang nasawi sa pamamaril, isang pulis at isang sibilyan, habang sugatan ang isa pang pulis.
Sa ngayon, kustodiya na ng Maragondon Police ang suspek na kinilalang si Police Corporal Rolando Periodico Jr. Samantala, ni-relieve na sa puwesto ang hepe ng Maragondon Police dahil sa command responsibility habang isinasagawa ang imbestigasyon.










