Kinumpirma ni Senador Panfilo Ping Lacson na maaaring maharap sa mga kasong gaya ng cyberlibel at iba pang paglabag sa batas ang mga taong lumahok sa tinawag niyang “bogus flood control hearing” na isinagawa nitong Huwebes.

Ayon kay Lacson, hindi maaaring gamitin ng mga dumalo sa naturang pagdinig, kabilang ang mga senador, ang parliamentary immunity bilang depensa sa posibleng pagsasampa ng kaso.

Ang tinutukoy na pagdinig ay isinagawa ng komite ni Senadora Pia Cayetano at dinaluhan nina Senate President Alan Peter Cayetano, Senador Robin Padilla, Senador Rodante Marcoleta, at Senadora Imee Marcos.

Nagsilbi namang mga testigo sa pagdinig ang 18 nagpakilalang dating miyembro ng Marines kasama ang kanilang abogado na si Atty. Levi Baligod.

Samantala, sinabi rin ni Lacson na maaari lamang mapawalang-bisa ang naging hakbang ng New Majority Bloc sa pagpapalit ng liderato ng Senado kung babaligtarin ng Korte Suprema ang naging desisyon nito sa kasong Avelino vs. Cuenco.

-- ADVERTISEMENT --