
Patuloy ang ginagawang monitoring ng Tricycle Regulatory Unit sa mga colorum na mga namamasada.
Sinabi Dr. Ray Ferrer, head ng TRU na nakikipag-ugnayan sila sa mga opisyal ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) upang matulungan sila sa pagtukoy sa mga colorum.
Hinihikayat din niya ang publiko na isumbong sa mga pulis kung may makikita na colorum na namamasada para sila ang tatawag sa TRU.
Ayon sa kanya, ang madalas na paglabag ay ang mga namamasada sa gabi na walang night pass.
Samantala, sinabi ni Ferrer na wala pang nakakarating sa kanila na reklamo na may mga e-bike na namamasada.
Subalit sinabi niya ang kanilang napatunayan ay may mga habal-habal o mga motorsiklo na kumukuha ng mga pasahero.
Ayon sa kanya, binigyan nila ang babala ang mga ito na mai-impound ang kanilang mga motorsiklo kung muli silang mahuhuli.










