Patay ang isang 19-anyos na motorcycle rider matapos bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang nakaparadang sasakyan sa pambansang lansangan ng Barangay Libertad sa bayan ng Abulug.

Base sa imbestigasyon, sinabi ni PMaj. Ronald Ballod, hepe ng Abulug PNP na pauwi na sana si Mark Carlos kasama ang kanyang pinsan na si Jose Talosig III, 29 anyos at kapwa residente sa Barangay Centro nang bigla na lang silang sumalpok sa sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada noong madaling araw ng September 25.

Tumilapon ang dalawa sa lakas ng pagsalpok na nagtamo ng matinding sugat sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan na nagresulta sa pagkamatay ni Carlos habang nagpapagaling na sa pagamutan ang kanyang pinsan.

Lumalabas na mabilis ang takbo ng motorsiklo at nakainom ng alak ang dalawa na galing sa isang videoke bar sa Barangay Libertad bago dumalaw sa kanilang kaanak sa Barangay Sto. Tomas.

Wala ding suot na helmet at ibang safety gear ang dalawa nang manyari ang aksidente.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ni Ballod, nayupi ang harapang bahagi ng motorsiklo.