
Naniniwala si Senate President Win Gatchalian na tila naging tradisyon na ng Pangulo na sa bawat speech nito sa kanyang State of the Nation Address ay may pa-earth-shaking statement ito.
Kung babalikan umano ang mga nakaraan nitong SONA, ilan sa mga naging pasabog nito ay ang tungkol sa Philippine Offshore Gaming Operator.
Pagkatapos nito ay ang ‘mahiya naman kayo’ remark na may kaugnayan sa naging flood control investigation nila.
Kaugnay nito, nang matanong ang senador kung ano kaya ang magiging pahayag nito ngayon, sinabi niya na mahirap itong hulahan.
Ngunit sa kabila nito, sinabi niya na maaring konektado sa kasalukuyang kontrobersiya na kinakaharap ng bansa ang banggitin nito sa kanyang SONA.
Samantala, nabanggit ng senador na kabilang sa kanyang inaasahan sa Pangulo ay matalakay nito ang tungkol sa pagbagal ng ekonomiya.










