
Kinumpirma ng opisina ni Senador Rodante Marcoleta na hindi muna matutuloy bukas, June 11, ang nakatakda sanang pagpapatuloy ng flood control hearing ng Cayetano bloc.
Ayon mismo sa sinabi ni Marcoleta sa isang programa, ito ang naging desisyon ng kanilang Blue Ribbon Committe matapos ang kanilang konsultasyon sa isa’t isa.
Layunin umano ng kanilang kanselasyon na makapagpapakita ng respeto sa mga nabiktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Sa ngayon, wala pang bagong iskedyul na inilalabas ang naturang komite para sa rescheduling nito.
Samantala, sinabi naman din ni Marcoleta na itutulak pa rin nila ang pag-imbita kay dating HS Martin Romualdez, na maalalang hindi humarap sa flood control consultative meeting ng New Majority Bloc.
-- ADVERTISEMENT --









