CTTO

TUGUEGARAO CITY-Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng mga otoridad maging ang Local Government Unit (LGU)-Allacapan sa nakitang bitak ng dam sa Brgy Silagan sa nasabing bayan.

Ayon kay B/Gen Laurence Mina, commander ng 502nd, Infantry Brigade, Philippine Army,maaaring bumigay ang nasabing dam kung magtutuloy-tuloy ang pag-uulan.

Aniya, maraming mga bayan ang labis na maapektuhan kung ito ay bibigay kung kaya’t ito ang kanilang minomonitor.

Sakabila nito, sinabi ni Mina na marami na sa mga evacuees ang nagsibalikan sa kanilang mga tahanan matapos humupa ang baha.

Patuloy din ang pagbibigay ng relief goods mula sa iba’t-ibang grupo.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Mina na passable na ang mga pangunahing daan patungo at palabas sa Ilocos Region ngunit may mga Barangay pa rin na nanatiling lubug sa baha.