
Ipinag-utos ng National Commission for Senior Citizens ang agad pagproseso at release ng P100,000 cash gift para sa apat na Aeta centenarians na hindi natanggap ang benepisyo noong 2024, matapos na mailipat ang centenarian program mula sa Department of Social Welfare and Development mula sa komisyon noong 2025.
Ayon sa NCSC, bago pa man matanggap ng tanggapan ang aplikasyon, gumawa na sila ng mabilis na hakbang upang matugunan ang backlog na minana sa DSWD at tiniyak na ang mga natitirang benepisyaryo ay mapagsisilbihan sa ilalim ng Republic Act No. 11982, or the Expanded Centenarians Act.
Ayon kay NCSC Chairperson Merceditas Gutierrez, patuloy ang kanilang ginagawang pagtukoy at beripikasyon sa mga kuwalipikadong benepisyaryo sa kabila ng kakulangan ng pondo para sa programa noong 2024.
Sinabi ng NCSC, nakapaglabas na sila ng mahigit P2.8 billion na centenarian cash gifts noong 2025, kabilang ang bayad sa mga naantalang benepisyaryo noong 2024, at naitala ang mahigit 96 percent budget utilization.
Inihayag din ng komisyon ang pagpapatupad ng pilot bank transfer system sa unang quarter ng taon para mas mabilis ang distribusyon, mas transparent, mas ligtas at mas madali para sa senior citizen beneficiaries.









