Isang Filipino full-stack developer na nakabase sa Abu Dhabi ang naglunsad ng online platform na layong tulungan ang mga estudyante at guro sa Pilipinas sa pamamagitan ng libreng access sa mga digital tools.

Ang Abakada.org, na ginawa ni Ramon Logan Jr., ay isang curated directory ng open-source software na maaaring gamitin para sa edukasyon, productivity, design, at development.

Ayon kay Logan, isinilang ang proyekto mula sa kanyang personal na karanasan bilang estudyante na walang sapat na pondo para makabili ng licensed software, kaya kinailangan niyang maghanap ng libreng alternatibo sa iba’t ibang website.

Sa pamamagitan ng platform, layunin niyang mapagaan ang access ng mga Pilipino sa digital tools at makatulong sa pag-aaral at pag-unlad ng kanilang kasanayan sa teknolohiya.