Asahan ang panibago na namang pagtaas sa presyo ng langis sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy.

Batay sa four-day Mean of Platts Singapore (MOPS) trading, ang inaasahang pagtaas sa presyo ng Gasolina ay P1.10 per liter, P.50 per liter sa Diesel at P.90 per liter sa kerosene.

Iniugnay ni DOE-Oil Industry Management Bureau (OIMB) assistant director Rodela Romero ang nasabing oil price hikes sa sitwasyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Sinabi ni Romero, wala pang tiyak na direksyon sa pandaigdigang merkado kasabay ng muling pag-uusap ng US at Iran kahapon sa Geneva.

Ito ang ikatlong pag-uusap ng magkabilang panig kaugnay sa nuclear program ng Iran.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Romero, pinatawan ng sanctions ng US ang 12 pang tankers ng Iranian crude at patuloy ang malawakang pagpapalakas ng presensiya ng militar sa Middle East region.

Ito ang nagbunsod ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Matatandaan na nitong nakalipas na mga linggo ay nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.