
Itinuturo ni Senador Rodante Marcoleta ang Ombudsman bilang promotor sa likod ng posible niyang pagharap sa kasong plunder.
Maalala, ayon sa mga ulat, malapit na raw ihain ng Ombudsman ang kasong plunder laban kay Marcoleta kasunod sa pagtanggap umano nito ng P75 milyong donasyon noong nakaraang taon.
Depensa ni Marcoleta, alam niya na ang Ombudsman ang nasa likod nito dahil nung sila ay nagtalu-talo sa bulwagan ng Senado ay sumang-ayon daw ito sa pahayag na pupwedeng baluktutin ang batas.
Ayon pa sa kanya, kapansin-pansin din ang pattern na ginagawa kamakailan kung saan inuuna sa demandahan ang di umano’y nagmamalasakit sa bansa habang ang totoong magnanakaw ay hindi pa raw inuusig sa ngayon.
Tiniyak naman ni Marcoleta na kahit anong mangyari ay ilalaban niya ang katwiran.
Sa kabilang banda, pinabulaanan naman ni Senador Ping Lacson ang isa pa sa naging pahayag ni Marcoleta na planado ang mga pangyayari.
Banat ni Lacson, panibagong pang-gas lighting lang umano ito ni Marcoleta.










