
Hindi dumalo si Batangas Rep. Leandro Leviste sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y planong character assassination laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Ayon sa NBI, hindi na dumating si Leviste sa itinakdang oras ng kanyang pagharap, ngunit nakipag-ugnayan ang kanyang mga abogado sa ahensya.
Muling itinakda sa susunod na linggo ang pagharap ni Leviste at dating Cong. Jing Paras sa NBI.
Kaugnay nito, hindi muna ibinigay ng NBI ang hinihinging mga dokumento ng kanilang mga kampo dahil maaari umano itong makaapekto sa nagpapatuloy na imbestigasyon.
-- ADVERTISEMENT --










