TUGUEGARAO CITY-Hinimok ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) region 2 ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs)na dumalo sa pagdiriwang ng migrant workers day, ngayong araw sa Ilagan City, Isabela.

Ayon kay Luzviminda Tumaliuan ng OWWA Region 2,nasa 700 OFWs lamang umano ang kanilang inaasahan na dadalo.

Kaugnay nito, sinabi ni Tumaliuan na asahan umano ang presensiya ng iba’t-ibang partner government agencies sa rehiyon para sa mga nakalinyang aktibidad.

Sinabi ni Tumaliuan na una rin umano nilang inimbitahan si Silvestre “Bebot” Bello III ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngunit hindi umano siya makakadalo dahil magtutungo ito sa lungsod ng Davao dahil sa kaparehong aktibidad.