Nag-alok ng P1 million na pabuya ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa ikadarakip ng mga suspek sa pagpatay kay Bulacan police officer Staff Sgt. Renato Casauay Jr.

Batay sa initial investigation ng pulisya, kinilala ang pangunahing suspek na si Julian Salamat, na nananatiling at large.

Kasunod nito ay sinabing may anim pang indibidual ang at large, kasama si Salamat kaugnay sa nasabing krimen.

Natagpuang patay si Casauay sa septic tank sa bakuran ng isang bahay sa Malolos City noong madaling araw ng January 31, isang linggo nang huli siyang makitang buhay.

Inaalam pa ang motibo sa pagpatay sa nasabing pulis.

-- ADVERTISEMENT --