
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng nasa P200 million na halaga ng iligal na mga sigarilyo at manufacturing equipment sa isinagawang joint-interagency operation sa isang warehouse sa Tanza, Cavite.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC), isinagawa ang operasyon sa impementasyon ng leeter of authority at mission order dahil sa paglabag umano sa Customs Modernization and Tariff Act and the Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
Batay sa paunang pagsisiyasat, nadiskubre ng mga awtoridad ang 11 cigarette manufacturing machines, 2 generator sets, 1 forklift, at 10 brands ng finished cigarette products.
Isasailalim ng BOC at iba pang kaukulang ahensiya sa pinal na assessment at inventory ang mga nasabing materyales.
Samantala, inatasan ni Philippine National Police (PNP) PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang lahat ng hepe ng pulisya sa buong bansa na palakasin ang koordinasyon sa local government units na imonitor ang mga kahina-hinala na mga bodega at iba pang ari-arian na maaaring gamitin na imbakan o ginagawang pagaraan ng mga sigarilyo.










