Umabot sa P20M ang halaga ng mga marijuanang binunot at sinunog ng mga otoridad sa Brgy. Luccong, Tinglayan, Kalinga.

Sa report ng PNP Kalinga, nakita ng mga otoridad ang 10sq.m na plantation site kung saan binunot mula rito ang higit 100,000 na mga fully grown marijuana.

wala umanong cultivators na nadatnan ang mga otoridad sa lugar.

Sa ngayon ay patuloy na pinaiigting ng PNP Kalinga ang pagbabantay upang mahuli ang mga nagtatanim ng marijuana at maiwasan ang iligal na pagpupuslit nito.